Thursday, October 19, 2017

"Hubad na Katotohanan"

Mother Nature and Global Warming
Oil on Canvass
Artist:Faustino Q. Lofamia, Jr.
    Gumawa ang Panginoong Yahweh ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang nilalang. Pinatubo niya roon ang lahat ng uri ng punongkahoy na nagbibigay-buhay, at gayundin ang punongkahoy na nagbibigay-kaalaman tungkol sa mabuti at masama.
Nilikha ang tao upang mamahala sa Kanyang mga nilikha ngunit sa halip na alagaan at maging mabuting tagapamahala sa kalikasan, unti-unti itong winawasak dahil ang nais ay ang salaping pilak na naging Diyos ng ganid na Sangkatauhan. Ang dating mayaman, masagana at payapang paraiso ay naging kalbong gubat, na ang tanging tumatakip ay mga ligaw na damo na ikinukubli ang kahubadan ng bundok na yaon. Ang Inang Kalikasan na pikit-matang nag-alay ng buhay ay iniwang hubad. Hanggaang kelan pa aabusuhin ang Inang Kalikasan. Kelan pa titigilan ang pang-aabuso? Kung kelan huli na ang lahat? Kailan pa? Kailan pa?
Nagsusumigaw,
-#InangKalikasan

No comments:

Post a Comment